Dengue Alert: Gawin ang 4 O'Clock Habit Para Protektahan ang Pamilya Mo
Mahalaga: Tumaas ang dengue cases sa ilang barangay ng Madridejos. Kailangan nating kumilos ngayon para protektahan ang mga pamilya natin.
Gawin ang 4 O'Clock Habit araw-araw:
- Search and destroy — Hanapin at itapon ang mga lalagyan ng nakatigil na tubig (tires, bote, drum, tabo)
- Self-protection — Magsuot ng long sleeves, gumamit ng mosquito repellent o katol
- Seek early consultation — Kung may lagnat ka nang 2 araw, agad na magpatingin sa doktor
Kailan ka dapat magpa-check? Kung ikaw o ang pamilya mo ay may:
- Mataas na lagnat nang 2 araw o higit pa
- Matinding sakit ng ulo at likod ng mata
- Pananakit ng katawan at kasukasuan
- Pantal o rashes sa balat
Pumunta agad sa pinakamalapit na Barangay Health Station o sa Municipal Health Office sa Poblacion. Libre ang konsultasyon.
Ang mga Barangay Health Workers ay nagbabahay-bahay din para sa fogging operations at information drive. Kung gusto mong irequest ang fogging sa inyong lugar, i-report sa Barangay Hall o tumawag sa MHO: (032) 438-9209.