Libreng Medical Mission sa Kangwayan — Konsulta, Gamot, at Dental Services
Mahigit 200 residente ng Barangay Kangwayan ang nakinabang sa libreng medical mission na isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) kasama ang Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo.
Mga libreng serbisyo na ibinigay:
- Konsultasyon sa doktor — check-up para sa karaniwang sakit
- Libreng gamot — para sa high blood, diabetes, ubo, at lagnat
- Dental services — tooth extraction at cleaning
- Blood pressure at blood sugar screening
May susunod na medical mission? Oo! Nagpaplano ang MHO ng monthly medical missions sa iba't ibang barangay. Kung gusto mong malaman kung kailan ang sa inyo, you can contact the Municipal Health Office at (032) 438-9209 o kaya mag-follow sa ating Facebook page.
Tip: Magdala ng valid ID at listahan ng gamot na iniinom mo para mas mabilis ang iyong konsultasyon.