Waste Segregation: Alamin ang Tamang Paghihiwalay ng Basura
Mahalaga: Ang Municipal Ordinance on Proper Waste Segregation ay epektibo na. Lahat ng household sa Madridejos ay required nang mag-segregate ng basura.
Paano mo ihihiwalay ang basura?
- Berde (Biodegradable): Tira-tirang pagkain, dahon, balat ng prutas at gulay
- Dilaw (Recyclable): Bote, plastic, lata, karton, papel
- Itim (Non-recyclable/Residual): Napkin, diaper, candy wrapper, styrofoam
Schedule ng koleksyon sa inyong barangay:
- Biodegradable — Lunes, Miyerkules, Biyernes
- Recyclable — Martes at Huwebes
- Residual — Sabado
Ano ang penalty? Ang unang violation ay warning. Pangalawa, multa na ₱500.00. Pangatlo at pataas, ₱1,000.00 ang multa.
Kung may tanong ka, tumawag sa Municipal Environment and Natural Resources Office o pumunta sa inyong Barangay Hall. Tulong-tulong tayo para sa malinis na Madridejos!